15-oras nakipag-inuman, todas
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2017 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng tomador na lalaki  na nakipag-inuman sa kanyang dalawang pinsan sa loob ng 15-oras sa Purok 6, Barangay San Carlos sa Tabaco City, Albay noong Lunes. Base sa police report na nakarating sa Camp General Simeon Ola, nagkayayaan ang biktimang si Noel Catolico at dalawang pinsan na mag-inuman dakong alas-8 ng umaga kung saan inabot sila hanggang alas-11 ng gabi. Nang malasing ay nagpaalam nang uuwi ang biktimang nakatulog sa kalasingan subalit hindi na ito nagising dakong alas-12 ng tanghali kinaumagahan. Wala namang palatandaang may foul play ang mga imbestigador ng pulisya kaya may teorya na inatake ito sa puso dahil sa sobrang alak.

ALBAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with