Kagawad utas sa buy bust

CAMARINES NORTE, Philippines - Sementeryo ang binagsakan ng isang incumbent barangay kagawad makaraang mapaslang sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Tinampo, Ligao City, Albay kamakalawa. Ang napatay na  hinihinalang “tulak” ng droga ay si Gary Encinas, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan nang tangkaing manlaban sa tropa ng Regional Intelligence Divison, Reg. Anti Drug Special Operation Task Force, Prov. Intel Branch, Albay Prov. Police Prov., CIDG at Ligao City Police sa pumumuno ni Supt. Lea Supelana dakong alas-7:40 ng gabi. Si Encinas ay nauna nang sumuko sa mga awtoridad  sa Operation Tokhang subalit ipinagpatuloy pa rin umano nito ang pagtutulak ng ilegal na droga.

Show comments