Explosion: 1 dedo, 6 sugatan

MANILA, Philippines - Patay ang isang obrero habang anim naman ang nasugatan makaraang sumabog ang granada sa pribadong lote sa Sitio South Ridge, Barangay San Antonio sa San Pedro City, Laguna kahapon ng umaga.

Sa phone interview, kinilala ni P/Supt. Harold Depositar, hepe ng San Pedro City PNP ang biktima sa pangalan lamang na Jeffrey na may alyas Monay ng Cavite City, Cavite.

Sugatang isinugod sa Amante Hospital ang mga biktimang sina Mark Angel Ambat, 27; Kim Alex Cabudol, 21; Jester Lustria,18; Erick Joseon, Romcard Esto, 22; at si John Caballes, 21. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagbaba ng mga materyales sa construction mula sa truck ang mga biktima habang ang ibang kasamahang obrero ay abala sa paghuhukay ng biglang  may sumabog.

“The victims sustained injuries to their bodies from possible shrapnel of unknown explosive and one sustained fatal injury that led to his death,” pahayag ng opisyal habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments