_ngayon
^

Probinsiya

Ex-US Army arestado sa gunfire

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Kalaboso ang 60-anyos na riteradong US Army makaraang arestuhin ng mga pulis habang nagpapaputok ng baril sa unang araw ng 2017 sa bayan ng Dupax del Sur, Nueva Vizcaya. Nakatakdang kasuhan ni P/Chief Insp. Randy Carbonel, hepe ng Dupax del Sur PNP ang suspek na si Wilfred Galidez ng Barangay Bagumbayan sa nabanggit na bayan. Ayon sa ulat, inireklamo ng mga residente ang pagpapaputok ng baril ng suspek. Kaagad namang rumesponde ang mga pulis kung saan naaktuhan si Galidez na nagpapalit ng magazine ng baby Armalite rifle. Walang maipakitang kaukulang lisensya si Galindez subalit inamin umano nito na nagpaputok ng baril bilang pagsalubong sa Bagong Taon. Nasamsam sa suspek ang 5 magazine ng baby Armalite, 36 bala, 11 basyo ng cal 5.56mm at dalawang rifle grenade.

US ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with