Shootout: Karnaper na tulak utas

Ayon kay P/Senior Insp. Richel Cabuslay, hepe ng Sto. Niño PNP, kinilala ang napatay na si Michael Hamsa na sinasabing nanlaban sa mga pulis nang matunugan nito ang buy-bust operation.
File photo

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang sinasabing notoryus na drug suspek na karnaper matapos itong manlaban sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang drug operation sa Purok Lovers, Barangay Ambalgan sa bayan ng Sto. Niño, South Cotabato kamakalawa ng hapon. Ayon kay P/Senior Insp. Richel Cabuslay, hepe ng Sto. Niño PNP, kinilala ang napatay na si Michael Hamsa na sinasabing nanlaban sa mga pulis nang matunugan nito ang buy-bust operation. Tatlo umano ang target ng mga pulis sa nasabing lugar subalit nakatakas ang dalawa pang  kasamahan ni Hamsa. Narekober sa encounter site ang cal. 38 revolver ni Hamsa na  ginamit sa shootout. Nabatid na may kasong carnapping si Hamsa at pansamantalang nakalaya matapos itong makapagpiyansa.

Show comments