Ambush: Barangay kagawad utas

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Joefil Siason, patungong barangay hall ang biktimang naka-motorsiklo nang sundan at ratratin ng tandem bandang alas-8:30 ng umaga
File photo

NORTH COTABATO, Philippines – Bumulagta ang 59-anyos na barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bisinidad ng Tisa Street sa Kalawag 2, bayan ng Isulan, Sultan Kudarat, kahapon. Namatay habang ginagamot sa Sultan Kudarat Provincial Hospital ang biktimang si Kagawad Carlos Fabrigar ng Barangay Kalawag 2. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Joefil Siason, patungong barangay hall ang biktimang naka-motorsiklo nang sundan at ratratin ng tandem bandang alas-8:30 ng umaga. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal .45 pistol na ginamit ng gunmen sa biktima.

Show comments