^

Probinsiya

5 patay sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
5 patay sa road mishap
Sa ulat na ipinalabas ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP, idineklarang patay sa Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City ang 66-anyos na si Paz Balbag matapos itong salpukin ng motorsiklo ni Christian Respicio sa Barangay Malasin, bayan ng Bangui, Ilocos Norte.?
Googlemaps

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Lima-katao ang hindi na umabot sa Undas sa naganap na magkakahiwalay na sakuna sa Ilocos Norte kamakalawa. ?

Sa ulat na ipinalabas ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP, idineklarang patay sa Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City ang 66-anyos na si Paz Balbag matapos itong salpukin ng motorsiklo ni Christian Respicio sa Barangay Malasin, bayan ng Bangui, Ilocos Norte.?

Ayon sa police report, tumilapon at namatay din habang ginagamot sa hospital ang tinedyer na si Respicio.

Samantala, ?namatay din ang 58-anyos na si Rodrigo Bayudan matapos itong salpukin ng 10-wheeler truck na minamaneho ni William Runes sa kahabaan ng highway sa Brgy. Pias Norte sa bayan ng Currimao, Ilocos Norte.?

?Tumilapon ng may 10-metro ang batang si Edmark Rhian Respicio ma tumatawid sa kalsada matapos itong salpukin ng Mitsubishi wagon (WBW 471) ni Lucena Liban sa Solsona Apayao Road sa Brgy. Mariquet, bayan ng Solsona.

Idineklarang patay sa RHU Solsona si Edmark habang sumuko naman sa pulisya ang gurong si Liban. ?

Namatay din ang 34-anyos na Christopher Pedronan habang kritikal naman ang kaangkas nitong si Jayson Rafol makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa poste ng kuryente sa Barangay Saud sa bayan ng Pagudpud.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with