3 ulong pugot, natagpuan

QUEZON, Philippines – Tatlong sunog na ulong pugot ang natagpuan sa madamong bahagi ng Sitio Malibago, Barangay Cambuga sa bayan ng Mulanay, Quezon kamakalawa ng umaga. Unang natagpuan ang isang ulong pugot habang sasalok ng tubig sa balon si Melecia Aranda kung saan inakala nitong sunog na bunga ng niyog. Subalit nang usisain ng kanyang pamangkin ay  nakumpirmang ulo ng tao. Bandang alas-10 naman ng umaga nang madiskubre ni Ricardo Racoma ang dalawang sunog na ulong pugot ng tao na nakalagay sa sako. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang kasarian at pagkakakilanlan ng tatlong ulong pugot.

Show comments