Stude nabaril ng kaibigan, dedo

NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang 18-anyos na estudyante makaraang aksidenteng mabaril ng kanyang kaibigan sa Purok Lugan 3, Poblacion sa bayan ng T’boli, South Cotabato kamakalawa ng umaga.

Napuruhan sa noo ang biktimang si Shiela May Calumba Panes, Grade 11 student ng Green valley College sa bayan ngT’boli at nakatira sa Purok Blancia sa nasabing barangay.

Ayon kay P/Chief Insp. Jose Marie Simangan, hepe ng T’boli PNP, itinago sa pangalang Benito ang 17-anyos na suspek sa pamamaril na kaibigan ng biktima na residente ng Purok Oro 2, Barangay Poblacion.

Nabatid na magkasamang tinungo ng biktima at kaibigang si Benito ang bahay ng kanyang kasintahan na si Pedro Sucias Duron.

Gayunman, namataan ng suspek ang baril sa kubo kaya ito pinaglaruan at sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang pumutok kung saan tumama naman sa noo ng biktima.

Nasa kostudiya na ng T’boli PNP ang suspek at ang may-ari ng baril.

Show comments