3 drug suspek, pinabulagta

NORTH COTABATO, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng tatlong kawani ng lokal na pamahalaan matapos itong pagbabarilin ng ‘di-pa kilalang gunman sa Zone 4, Barangay Poblacion sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Julieto Bustillo Ledesma alyas Goliath; Onofre Aspiras alyas Dodong Payat, at Neil Dagos na pinaniniwalaang mga drug pusher at user sa nasabing lalawigan. Narekober sa crime scene ang maraming shabu, 3 basyo ng bala ang cal .45 pistol, dalawang bala ng cal.35 pistol at mga drug paraphernalia. Ayon kay SPO4 Retchie Raiz ng Tagoloan PNP, nahihirapan ang mga tauhan ng pulisya na makilala ang gunmen dahil mga naka-bonnet, base na rin sa mga nakasaksi sa pamamaril. Hindi naman nagreklamo ang pamilya ng mga biktima dahil inaasahan na nila ang magaganap dahil ayaw tumigil sa pagkakasangkot sa droga.

Show comments