^

Probinsiya

Pulis at ex-Army nagbarilan, patay

Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines –- Kapwa bumulagta sa kalsada ang 23-anyos na opisyal ng pulisya at dating sundalo ng Philippine Army matapos na magkabarilan sa isinagawang anti-drug surveillance sa harapan ng Villa Concepcion Subd. sa Barangay Ibingay, Masbate City sa Masbate noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang dalawa na sina P/Insp. Benjie “Bon” Calixto, PNPA graduate batch 2013, miyembro ng Masbate Provincial Public Safety Company, Intelligence Operatives at nakatira sa Barangay Espinosa, Masbate City; at Cesar Punzalan Jr., 36, ng Barangay Pianmarbuhan sa bayan ng Mobo, Masbate.

Sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola sa Legaspi City, kasalukuyang may minamanmanan na drug persona­lity sina Calixto at PO1 Roy Balonzo nang mapadaan si Punzalan  Jr. at kasama nitong lalaki.

Gayunman, sinita nina Calixto at PO1 Balonzo ang dalawa na humantong sa mainitang pagtatalo na nauwi sa barilan.

Bago nalagutan ng hi­ninga si Calixto, nagawa pang gumanti ng putok at tinamaan sa likuran si Punzalan Jr. kung saan gumanti na rin ng putok si PO1 Balonzo nang makitang tinamaan ang kanyang lider.

Narekober sa crime scene ang cal. 9mm pistol na may  14 bala;  isang sub-machine gun (ingram), cal. 9mm pistol na may 24 bala at 7-basyo ng baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with