^

3 pang ‘tulak’ bulagta sa parak

Raymund Cantindig (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2016 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Tatlo pang drug suspects ang nabura na sa drug watchlist ng pulisya matapos silang ratratin ng mga hindi natukoy na killers sa Isabela, Ifugao at Baguio City kamakalawa. Pinabulagta ng mga riding-in-tandem assassins si Vivencio Gamiao 40 ng Barangay Bacareña habang sakay ng kanyang motorsiklo sa highway ng Barangay Cabaruan ayon kay Supt. Engelbert Soriano, hepe ng PNP Cauayan City. Sa Kiangan, Ifugao binaril at napatay ang mekanikong si Joseph Parcasio 50 habang nagkukumpuni ng sasakyan sa kanyang talyer sa Barangay Hucab. Isa si Parcasio sa mga drug surrenderees na lumahok sa Oplan Tokhang sa kabisera ng Lagawe noong nakaraang linggo. Sa Baguio City, itinumba ng hindi nakilalang gunman ang drug suspect na si Joel de Dios Nider sa  Slaughter House Compound, Barangay Sto. Niño, Baguio City. Nag-aagaw buhay naman sa pagamutan ang jeepney barker na si Marvin Lamiedo Lazarte na pinagbabaril habang nagtatawag ng pasahero sa pilahan ng jeep sa Barangay Lower Magsaysay.??

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with