^

Probinsiya

State of calamity sa Tupi dahil sa dengue

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Tupi sa South Cotabato dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue.

Sinabi ni Tupi Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office chief Emil Sumagaysay na inirekomenda ng Tupi MDRRM Council sa pamumuno ni Mayor Reynaldo Tamayo Jr. ang pagdeklara ng state of calamity.

Sa pagdeklara nito ay maaring gamitin ng pamahalaang lokal ng Tupo ang kanilang emergency fund na nagkakahalaga ng P1.6 milyon.

Umabot na sa 297 na kaso ng dengue ang naitala ng Tupi Municipal Health Office ayon sa pinakahuling tala nitong Hulyo 14, mataas ng 48 porsiyento kumpara sa nakaraang taon.

Mula sa naturang bilang ay tatlo na ang namatay mula nitong Abril, mula sa Barangay Poblacion, Barangay Bunao at Acmonan.

Sa dami ng mga nagkakasakit ay tumtanggi na ang mga ospital dahil hindi na nila kayang tanggapin.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with