Selosong mister, nag-suicide

BULACAN, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang selosong 40-anyos na mister matapos itong magbaril sa bibig habang nakikipagtalo sa kanyang asawa at bayaw sa Barangay Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot pa ng buhay sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang biktimang si Bimbo Lumio ng Sitio Gulod, Brgy. Bagbaguin sa nasa­bing bayan. Sa imbestigasyon ni PO2 Emil Nolasco, nakipagtalo ang biktima sa kanyang misis at bayaw kaugnay sa pagkaing pinaluluto dahil inilihim sa kanya. Gayunman, binunot ng bitkima ang baril mula sa baywang saka ipinutok sa sariling bibig. Nabatid na selos sa asawa ang isa sa dahilan ng biktima at galit sa mga magulang kaugnay sa mga alagang baboy na ipinagbili nang hindi ipinaalam sa kanya.

Show comments