Manyakis na senglot inutas sa inuman

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 36-anyos na binata na sinasabing nilamas ang maselang bahagi ng misis ng kanyang kainuman matapos itong gulpihin sa Barangay Lower Banao, bayan ng Bacacay, Albay kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa likurang bahagi ng ulo ang biktimang si Renato Nova Cordovilla ng Barangay 8 habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Nerio Valenzuela, 49, ng nasabing barangay. Sa ulat ng Bacacay PNP na isinumite sa Camp Simeon Ola, inimbitahan ng suspek ang biktima na makipag-inuman sa kanilang bahay kaugnay ng kapistahan ng kanilang barangay. Subalit nang malasing ay nilamas ng biktima ang pagkababae ng misis ng suspek habang ito ay natutulog sa duyan. Kaagad na nagsumbong ang babae sa kanyang mister kung saan nauwi sa matinding away na humantong sa panggugulpi sa biktima.

Show comments