‘Tulak’ nang-agaw ng baril sa PDEA chief, dedo
Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2016 - 10:00am

CAMP VICENTE LIM, LAGUNA, Philippines – Patay ang isang arestadong suspek sa kasong ilegal na droga makaraang tangkain umano nitong agawan ng baril ang mismong director ng PDEA Calabarzon habang nakaposas ang una na iniimbestigahan sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Roberto Sulit, isa sa tatlong  naaresto ng mga operatiba ng PDEA Region 4 sa isang buy bust operation sa Bauan, Batangas kamakailan.

Matatandaang naaresto si Sulit matapos ang isang oras na stand off at makumpiska dito ang tinatayang nasa P96,000 na halaga ng shabu at kalibre .45 baril.

Habang sumasailalim sa interogasyon, hiniling ni Sulit na medyo luwagan ang pagkakaposas sa kanya.

Habang pinaluluwagan ng isa sa mga pulis ang posas, bigla umanong sinunggaban ng suspek ang baril ni PDEA Regional Director Yogi Filemon Ruiz.

Dito, nagkaroon ng agawan hanggang sa aksidenteng pumutok ang baril at tumama sa dibdib ni Sulit. Mabilis siyang isinugod sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival ng doktor.

Nakaditene naman ang dalawang kasama ni Sulit na sina Joel Aquilan at Choiset Brual.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with