Obrero inutas sa palikuran

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 27-anyos na construction worker sa loob ng palikuran sa Barangay Toclong sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo ang biktima na si Ramir Montilla ng Malvar Subdivision sa nabanggit na barangay. Sa police report na nakara­ting sa Camp Pantaleon Garcia, pinasok ng gunman ang  biktima sa loob ng palikuran saka isinagawa ang pamamaslang. May teorya ang pulisya na may kaugnayan sa bentahan ng bawal na droga ang pagpatay sa biktima habang narekober naman sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol at mga drug paraphernalia.

Show comments