10 Indonesian pinalaya ng ASG P50-M ransom kapalit…

MANILA, Philippines – Nagwakas ang kalbaryo ng 10-Indonesians matapos itong palayain ng Abu Sayyaf Group sa Sulu kahapon.

Kinumpirma naman ni P/Supt. Wilfredo Cayat, hepe ng Sulu PNP ang pagpapalaya sa 10 Indonesians.

Nabatid na may mga hindi kilalang kalalakihan ang nagdala sa mga biktima sa harapan ng bahay ni Sulu Governor (Abdusakur) Toto Tan II.

Pinapasok sa bahay ni Governor Tan ang mga biktima saka pinakain kung saan kaagad naman tinawagan si Tan para sa kanilang custody ang 10 Indonesians.

Nakatakda namang dalhin sa Zamboanga City ang sampung biktima bago i-turnoverturn sa consular official ng Indonesia.

Naunang kinilala ng pulisya ang mga biktimang crew ng tugboat na sina Peter Tonson, Julian Philip, Alvian Elvis Peti, Mahmud, Surian Syah, Surianto, Wawan Saputria, Bayu Oktavianto, Reynaldi at si Wendi Raknadian.

Ang mga biktima ay kinidnap ng ASG sa Sulu noong Marso 28 kung saan bineberipika pa ang P50-milyong ransom ang ibinigay sa grupo ng Abu Sayyaf kaya napalaya ang mga biktima.

Show comments