Tserman, 2 pa inambus

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kritikal ang isang 39-anyos na barangay tanod habang nakaligtas naman ang isang barangay chairman na pinaniniwalaang target sa ambush sa Barangay Villaluz, Benito Soliven, Isabela kamakalawa. Sinabi ni Sr. Insp. Jose Torrijos, hepe ng PNP Benito Soliven na nakikipagbuno kay kamatayan sa Isabela Doctors General Hospital sa Ilagan City dahil sa mga tama ng balang sinalo ng katawan ni Renato Dela Peña na para sana sa nakaligtas na chairman na si Juan Ponce Agbulig ng Barangay Gomez. ?Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Abulig pauwi ang kanyang Toyota Hilux (RZP 205) kasama ang anak na si Lean, kinakasamang si Rovelyn Lea?o at tanod na si Dela Peña nang ratratin sila ng mga armadong nagkubli sa sagingan sa gilid ng kalsada dakong 5:30 ng hapon. Dahil sa hinarurot ng opisyal ang SUV upang makatakas sa mga suspek, tanging si Dela Peña lamang na nakaupo sa backseat ng SUV ang tinamaan ng mga bala sa katawan. Ayon sa SOCO, nagkalat ang mga basyo ng bala ng 9mm at 12 gauge desabog sa crime scene. ?

Show comments