Trader bulagta sa gunman

Ang nasawi ay kinilalang si Reynaldo Sombelon, 58-anyos na idineklarang dead on arrival sa Bukidnon Provincial Hospital dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Pinagbabaril at napatay ang isang negosyante sa loob ng isang lodging house ng maskaradong gunman naganap sa South Poblacion, Maramag, Bukidnon.

Ang nasawi ay kinilalang si Reynaldo Sombelon, 58-anyos na idineklarang dead on arrival sa Bukidnon Provincial Hospital dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, bandang ala-1:25 ng hapon ay kasalukuyang nanonood ng telebisyon ang biktima sa ‘receiving area’ ng Versatile Lodging House na matatagpuan sa Purok 2, South Poblacion, Maramag nang biglang pumasok ang suspek na armado ng cal. 45 pistol at walang kaabog-abog na  binaril ang biktima na duguang bumulagta sa insidente.

Ang suspek ay mabilis tumakas sakay ng isang motorsiklo na hindi nakuha ang plaka patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng krimen.

Show comments