2 kawani ng club, pinabulagta

PAMPANGA, Philippines – Pinabulagta ang dalawang kawani ng club matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Balibago sa Angeles City, Pampanga noong Martes ng madaling araw. Sa report ng pulisya na isinumite sa Camp Julian Olivas, kinilala ang mga biktima na sina Arjay Lennon at Richard Lumanlan na kapwa nakatira sa nasabing barangay. Lumitaw sa imbestigasyon na magkasamang naglalakad pauwi ang mga biktima mula sa pinapasukang night club nang lapitan at ratratin. Nagawa pang isugod sa pinakamalapit na ospital ang dalawa subalit idineklarang patay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments