4 paaralan binulabog ng bomb threat

PAMPANGA, Philippines – Binulabog ng bomb threat ang apat na paaralan sa San Fernando City Pampanga noong Huwebes ng hapon.

Sa police report na nakarating sa Camp Julian Olivas, Dakong 1:53 ng hapon, nakatanggap ng text messages ang San Fernando PNP na may mga  bombang nakatanim sa San Fernando Elementary School, Pampanga High School, City Colleges of San Fernando, at Celtech Colleges of San Fernando.

Agad namang inilikas ang mga mag-aaral sa apat na eskuwelahan patungo sa open area kung saan ma­ging ang mga magulang ng mga mag-aaral ay napasugod para sunduin ang kani-kanilang anak.

Sinuspinde naman ang panghapon at panggabing klase sa lahat ng antas ma­ging ang mga kawani ay pansamantalang hindi pinapasok habang rumesponde naman ang pangkat ng PNP bomb squad.

Gayon pa man, matapos ang ilang oras na  inspection sa apat na eskuwelahan ay naging negatibo ang text messages.

 

Show comments