3 utas sa killer van
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2016 - 9:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao ang sinalubong ni kamatayan habang pito naman ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong van ang dalawang traysikel at isang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Dadiangas, General Santos City, South Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina Alfonso Benitez, Jaime Pendehito, at si Ryan Bedano habang nananatiling kritikal sa pagamutan sina Ryan Gentica, John Phillip Abatayo, Leonido Villanueva Jr., Rodolfo Barbo, at ang tatlong hindi pa nakilala.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Dilido Labasan kaya nagpaikut-ikot bago su­malpok sa kasalubong na traysikel.

Sinalpok din ng van ang isang motorsiklo at traysikel kung saan nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng van habang iniha­handa ang kaukulang kaso na kanyang kakaharapin.

 

ACIRC ALFONSO BENITEZ ANG DILIDO LABASAN GENERAL SANTOS CITY JAIME PENDEHITO JOHN PHILLIP ABATAYO LEONIDO VILLANUEVA JR. RODOLFO BARBO RYAN BEDANO RYAN GENTICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with