61-anyos biyuda, nilikida

CAMARINES NORTE, Philippines – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya napaslang ang 61-anyos na biyuda matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa Purok 1, Barangay  Baay sa baya ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Base sa police report, kinilala ang biktima na si Rosita Amado, mat maker, ng nasabing barangay. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, natutulog ang biktima nang pasukin at pagbabarilin gamit ang shotgun. Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng shotgun habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments