Misis, biyenan pinatay ni mister

Nagtamo ng hindi pa mabilang na tama ng bala ng baril ang mga biktimang sina Norma Camposano, 68; at Gloria Camposano- Layug, OFW sa Japan at kapwa nakatira sa Agatha Homes sa nasabing barangay habang pinaghahanap naman ang suspek na si Rommel Layug. Philstar.com/File

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 29-anyos na misis at biyenang babae matapos itong pagbabarilin ng kanyang mister sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tikay, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng hindi pa mabilang na tama ng bala ng baril ang mga biktimang sina Norma Camposano, 68; at Gloria Camposano- Layug, OFW sa Japan at kapwa nakatira sa Agatha Homes sa nasabing barangay habang pinaghahanap naman ang suspek na si Rommel Layug.

Sa imbestigasyon nina PO3 Ardon Ahamad at PO1 Johnson Morecho, dakong alas-5:10 ng hapon nang kausapin ng suspek ang kanyang misis kaugnay sa nakatakdang paghihiwalay nila.

Hindi naman pumayag ang misis sa kahilingan ng suspek na umuwi na lamang sa kanilang bahay sa Tondo, Manila.

Dito na pinutukan ng suspek ang kanyang misis subalit narinig ng kanyang biyenang babae ang putok  kaya ito sumaklolo.

Subalit pinaputukan din ng suspek ang kanyang biyenan kung saan kapwa bumulagta.

Narekober sa crime scene ng SOCO ang mga bala at cal. 9mm pistol.

Show comments