5 NPA bulagta sa encounter
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Bumulagta ang limang rebeldeng New People’s Army (NPA)  makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa naganap na bakbakan sa liblib na bahagi ng Barangay Mabuhay, bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur kamakalawa. Sa pahayag ni Captain Jasper Gacayan ng Army’s 401st Infantry Brigade, nagpapatrulya ang tropa ng militar nang makasagupa ang mga rebelde na sinasabing nagsibaba mula sa kabundukan. Tumagal ng 40-minuto ang bakbakan hanggang sa mapatay ang limang rebelde na sinasabing tinangay ng mga kasamahang NPA. Narekober sa encounter site ang isang AK47 rifle, isang rifle grenade, 5-blasting caps, ICOM radio, dalawang electrical detonating switch, cellphone, 200 metrong electrical detonating wire, 5-backpacks, at mga subersibong dokumento. 

AGUSAN ANG BARANGAY MABUHAY BUMULAGTA CAPTAIN JASPER GACAYAN INFANTRY BRIGADE MGA NAREKOBER NEW PEOPLE PROSPERIDAD TUMAGAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with