Trader pisak sa killer truck

BATAAN, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang beteranong barangay chairman na negosyante matapos itong salpukin ng 10-wheeler truck sa kahabaan ng Roman Super Highway sa Barangay Sto. Domingo sa bayan ng Orion, Bataan kamakalawa ng gabi. Kinilalaa ng pulisya ang biktima na si Chairman Alex Dungca ng Barangay San Jose at nakatira sa Bataan Homes Subdivision sa Balanga City, Bataan. Sa imbistigasyon ng pulisya, lumitaw na pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo mula sa videoke bar ng kanyang kaibigan nang mahagip ng truck bandang alas-11 ng gabi. Si Dungca ay isang taon at limang buwan pa lang nanunungkulan bilang chairman dahil pinalitan nito ang yumaong si Alejandro Acuzar.

Show comments