Lady pusher arestado

PAMPANGA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency Region 3 ang 19-anyos na lady pusher sa isinagawang buy-bust operation sa bahagi ng Kalye Demonyo Road 2, Barangay Minuyan Proper sa San Jose Del Monte City, Bulacan noong Lunes (Enero 4). Kinilala ni PDEA Regional Director Gladys F. Rosales ang suspek na si Sharry J. Bartolome ng nasabing lungsod. Nasamsam sa suspek ang 53-gramo ng shabu at mark money na P 150,000. Nabatid na nagsimulang maging pusher ang suspek noong 9-anyos pa lamang ito kaya kabisado na nito ang drug business.

Show comments