2 bagets inutas sa palayan

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Dalawang tinedyer ang nasawi nang ratratin ng mga hindi pa kilalang salarin habang naglalakad sa gilid ng palayan sa Barangay Paddaya, Aparri, Cagayan kamakalawa ng gabi.

Nasawi noon din sina Michael Valdes,18 at Angelito Mabbun, 18 dahil sa mga tama ng bala ng armalite at carbine sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Chief Insp. Rafael Pagalilauan, hepe ng Aparri-PNP, nagkubli ang mga suspek sa mga dahon at inabangan ang pagdating ng mga bagets dakong alas 9:30 ng gabi tsaka pinagbabaril.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo at pagkakilala sa mga suspek.

Show comments