Kuya niratrat ni bunso

QUEZON, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 47-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng kanyang nakababatang kapatid dahil lamang sa alagang baboy sa Sitio Kanto Bayabas, Barangay Ayusan sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Oscar Aquino habang tugis naman ang suspek na si Fernando Aquino, taho vendor at mga residente sa nasabing barangay. Pauwi na ang mag-utol mula sa pakikipag-inuman nang komprontahin ng suspek ang kanyang kapatid kaugnay sa alagang baboy na nakaalpas sa kulungan. Kaagad na umuwi si Fernando at nang bumalik ay niratrat ang kanyang kuya saka tumakas.

Show comments