Mga baril nasamsam sa compound ng mayor

BATANGAS, Philippines – Sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-NCR) ang compound na pag-aari ni Mayor Jay Manalo Ilagan sa bayan ng Mataas na Kahoy sa Batangas kahapon ng umaga. Sa bisa ng search warrant na pinalabas ni Judge Agripino Morga ng San Pablo Regional Trial Court,  sinalakay ng CIDG at special action force ang JMI compound sa Barangay Santol pasado alas-11 ng umaga. Nasamsam ang iba’t ibang kalibre ng baril ang mga pulis kabilang na ang AK47 at cal. 45 pistol at mga bala ng baril. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (illegal possession of F/A and ammunition) ang caretaker ni Mayor Ilagan na si Danilo Gonzales. Wala naman sa nasabing lugar si Mayor Ilagan nang maganap ang raid ng mga pulis.

Show comments