Tinedyer nahati ang katawan sa backhoe

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay nagsasagawa nang paghuhukay ang backhoe operator na si Ericson Ofindo habang ang biktima ay dumadaan nang aksidente itong nawalan ng panimbang at nahulog sa hukay. Philstar.com/File

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nahati ang katawan ng isang 16-anyos na binatilyo na si Arjay Obillo matapos aksidenteng tamaan ito ng backhoe na  naghuhukay sa isang government project site kamakalawa sa Barangay Barangobong,Tayug, Pangasinan.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay nagsasagawa nang paghuhukay ang backhoe operator na si Ericson Ofindo habang ang biktima ay dumadaan nang aksidente itong nawalan ng panimbang at nahulog sa hukay.

Hindi namalayan ng suspek ang paghulog ng biktima kaya’t nang muling ibagsak ng una ang makina ay natusok ang biktima sa sikmura at nasawi noon din.

Show comments