Misis binoga ni mister, patay
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng 27-anyos na misis matapos itong barilin ng sariling mister sa gitna ng matin­ding pagtatalo sa kanilang bahay sa Barangay Sta. Catalina, bayan ng Binalonan, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Merilyn Romero habang nasakote naman ng pulisya ang suspek na si Jeffrey Romero, 31, tricycle driver kung saan nasamsam ang cal. 38 revolver na ginamit sa krimen.

Sa ulat ng Pangasinan PNP na isinumite sa Camp Crame, senglot na umuwi ang suspek kung saan tinutukan ng baril sa ulo ang kaniyang misis at kinalabit nito pero hindi pumutok.

Sa ikalawang pagkakataon ay kinalabit muli ng suspek ang gatilyo ng baril kung saan umali­ngawngaw ang malakas na putok at duguang bumulagta ang biktima.

Nabatid pa sa imbestigasyon na madalas mag-away ang mag-asawa dahil sa bisyo ng suspek na kasalukuyang nahaharap sa kasong parricide.

 

ACIRC ANG BARANGAY STA BINALONAN CAMP CRAME JEFFREY ROMERO KINILALA MERILYN ROMERO NABATID PANGASINAN SABOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with