Dalagita ni-rape slay ng adik

Pinaniniwalaang ginahasa muna ang biktimang walang underwear bago pinatay. Philstar.com/File

NORTH COTBATO, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 11-anyos na dalagita matapos itong halayin ay sinakal pa ng hindi kila­lang adik sa bawal na droga sa plantasyon ng mais sa bayan ng Midsayap, North Cotabato noong Biyernes ng gabi.

Nakiusap naman ang mga magulang na itago ang pangalan ng kanilang anak at huwag ng banggitin ang barangay. 

Sa pahayag ng mga magulang na nabalisa sila dahil gumagapang na ang dilim sa kalawakan ay hindi pa rin nakakauwi ang kanilang anak mula sa paaralan. 

Kaya naman nagsumbong na ang mga ito sa mga opisyal ng barangay kung saan agad namang nag­lunsad ng search ope­ration ang mga barangay tanod. 

Pasado alas-7 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa gitna ng taniman ng mais. 

Pinaniniwalaang ginahasa muna ang biktimang walang underwear bago pinatay.

 

Show comments