17 arestado sa drug den

Nakaupo ang mga suspek na nasakote sa dalawang drug den habang sinusuri naman ng mga operatiba ng pulisya at PDEA ang mga nasamsam sa gramo ng shabu sa inilatag na operasyon sa Barangay Caingin, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng hapon. Boy Cruz

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang 17-katao na sinasabing adik at drug pusher matapos masakote ng mga awtoridad sa sinalakay na dalawang drug den sa Barangay Caingin, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng hapon. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Jimmy Bautista, 50; Miguel Mendoza, 21; Ferdinand “Angko” Javier, 43; at si Ginafer Javier, 21, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng 13 iba pa. Nakatakas naman ang mag-asawang alyas Kasyo at Vangie na sinasabing supplier ng shabu. Sa ulat ni PDEA Region 3 Director Gladys F. Rosales, sinalakay ng PDEA at Bocaue PNP ang mga bahay nina Bautista at Javier sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Richard Paradeza ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 72. Narekober sa mga drug den ang 4-plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, analog weighing scale, set ng tirador, pana at mg bala ng cal .38 revolver.

Show comments