Kawani ng LTO, 2 pa tiklo sa droga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 38-anyos na kawani ng Land Transportation Office (LTO) at dalawang notoryus na tulak makaraang masakote ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Alibagu, Ilagan City, Isabela kamakalawa. ?Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Claro Barroga, miyembro ng LTO Flying Squad ng Iligan City District Office at nakatira sa Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya; Mildred Zapata, 27, ng Barangay Bliss, Ilagan City; at si Oliver Calanday, 24. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Manuel Bringas, hepe ng PNP Ilagan City, nadakip ang mga suspek sa pugad ni Zapata kung saan nasamsam ang 3 plastic sachet ng shabu, mga cellphone, owner-type jeep, at ang motorsiklo na ginagamit nina Barroga at Calanday sa kanilang modus operandi.?

Show comments