Rapist nasukol sa raid

NORTH COTABATO, Philippines – Arestado ang isang obrero dahil sa kasong panggagahasa sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Purok 2, Brgy. Poblacion, Tupi, South Cotabato. Nagawang mahuli ng pinagsanib na puwersa ng Koronadal City PNP at Tupi Municipal Police Station ang kinilalang si Baltazar Larina Huesna, 37, construction worker at residente ng Purok Masagana, Barangay Morales, Koronadal City. Si Huesna ay dinakip base sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Jordan Reyes ng RTC Branch 24, 11th Judicial Region, Koronadal City, ang suspek ay dinakip. Siya ay nahaharap sa 3 counts ng kasong rape.

Show comments