3 kalaboso sa drug den

BULACAN, Philippines - Tatlong kalalakihan kabilang ang pamangkin ng mayor ang naaresto ng pulisya matapos ang buy-bust operation na sinasabing drug den sa Barangay Poblacion 2, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Alexis De Guzman, 23, kaanak ng mayor sa nasabing bayan at ika-4 sa drug watchlist personalities ng pulisya; JayCis Dela Cruz, 26; at si Rodolfo Facistol, 26, mga nakatira sa Brgy. Poblacion 2. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, sinalakay ang bahay ni De Guzman matapos na makompirma ng pulisya na ginagawang drug den dito. Naaktuhan ang mga suspek sa pot session kung saan nasamsam ang anim na plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia,12 bala ng cal. 22 revolver, bala ng cal.38 revolver at P200 marked money na ginamit sa operasyon.

Show comments