8 arestado sa drug bust

BULACAN, Philippines  - Kalaboso ang binagsakan ng walong drug peddlers sa isinagawang panibagong drug bust operation sa Barangay San Martin 3, San Jose Del Monte City sa Bulacan kahapon ng madaling araw. Kabilang sa mga suspek na nakatakdang kasuhan ay ang mag-asawang sina Anti Kabugatan, 40; at Nailyn Disalo-Kabugatan, 32; Jalil Musa, 26; Aslima Musa, 25; Kiel Ryan Galman, 22; Christopher Sicat, 36; Nanette Lugtu, 35; at si Reynan Lugtu, 39, mga nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Charlie Cabradilla, si Anti ay nasakote sa buy-bust operation habang ang pito naman ay naaktuhang nagrerepak ng shabu sa bahay ng mag-asawang Kabugatan. Nasamsam sa mga suspek ang 20 plastic sachets ng shabu at mga drug paraphernalia.

 

Show comments