Pastor inutas sa pulpito ng kapilya

STAR/File photo

MANILA, Philippines - Napaslang ang 45-an­yos na pastor matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki habang nasa pulpito at nagsesermon sa loob ng kapil­ya sa Barangay Washington, Surigao City, Surigao del Sur kamakalawa ng umaga.

Naisugod naman sa Surigao Medical Center subalit idineklarang patay ang biktimang si Allan Ursabia ng Lord Jesus Christ at na­katira sa nasabing barangay.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, naganap ang pamamaril sa loob ng nasabing simbahan sa dakong alas-9:30 ng umaga.

Nasa kalagitnaan ng ka­niyang pagsesermon ang biktima nang may pumaradang motorsiklo sa harapan ng simbahan lulan ang dalawang lalaki.

Isa sa gunman ay nagsilbing lookout at isa naman ang pumasok sa simbahan at humalo sa mga nagsasagawa ng fellowship.

Gayon pa man, ilang mi­nuto ang nakalipas ay bigla na lamang dumiretso sa pulpito ang gunman saka pinutukan ang biktima na nagsasalita sa harapan ng mga miyembro.

Nagpulasan naman pala­bas ng kapilya ang mga mi­yembro dahil sa matinding takot habang mabilis namang nagsitakas ang gunmen.

Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy ang im­bestigasyon.

 

Show comments