Barangay chairman, itinumba

NUEVA ECIJA, Philippines – Napatay ang 60-anyos na barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng national highway sa Barangay Cuyapa, bayan ng Gabaldon, Nueva Ecija noong Biyernes ng gabi. Naisugod naman sa Gabaldon Medicare Community Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Chairman Gabriel Roxas y Tiquis ng nasabing barangay. Nabatid na pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo nang sundan at ratratin ng tandem bandang alas-8:30 ng gabi. Pinaniniwalaang may kaugnayan sa politika ang naganap na pamamaril dahil nakasuporta ng kandidato sa mayoralty race ang biktima.

Show comments