^

Probinsiya

2 holdaper tiklo sa presinto!

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Doble kamalasan ang sinapit ng dalawang lalaki habang iniimbestigahan sa himpilan ng pulisya matapos na matuklasang responsable sila sa panghoholdap sa isang estudyanteng babae sa Brgy.Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng mga suspek na sina Karl Benette Silva, 26, ng Brgy. Bambang at John Joel Francisco, 26, ng Brgy. Bagumbayan, pawang sa Bocaue at ngayo’y nakadetine sa himpilan ng pulisya.

Base sa ulat ni P/Supt. Rodolfo Hernandez, dakong alas-11:45 ng gabi habang nagpapatrolya ang kanyang mga tauhan sa pinaigting na Oplan Lambat/Sibat sa bahagi ng Brgy. Bagbaguin nang kanilang mamataan ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo na walang helmet kaya kanilang sinita. Nang walang maipakitang dokumento, agad na dinala ang dalawa sa himpilan ng pulisya. Habang iniimbestigahan, biglang dumating ang biktimang isang 17-anyos na estudyante ng  Brgy.Bagbaguin upang ipatala ang naganap na panghoholdap sa kanya ng dalawang lala­king nakasakay sa motorsiklo, may ilang minuto ang nakalilipas. Habang nagsusulat ang biktima, dito niya naispatan ang dalawang suspek.

ACIRC

ANG

BAGBAGUIN

BAGUMBAYAN

BRGY

HABANG

JOHN JOEL FRANCISCO

KARL BENETTE SILVA

OPLAN LAMBAT

RODOLFO HERNANDEZ

SANTA MARIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with