Mag-asawang negosyante, niratrat

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng baril habang patuloy naman ang pagsisiyasat. Philstar.com/File

CAVITE, Philippines – Bulagta ang 33-anyos na negosyanteng Bumbay habang kritikal naman ang kanyang misis matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa loob ng Alcantara Subdivision sa Barangay Zone 2, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng umaga.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt Joseph Reyes Arguelles na isinumite naman sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, kinilala ang napatay na si Singh Aman Deep habang kritikal naman ang misis nitong si Kaur Aman Deep, 29, kapwa nakatira sa Emerald Crest Subd. sa Barangay San Jose sa nasabing lungsod.

Lumilitaw na magkasama ang mag-asawang lulan ng Toyota Vios (ZHX 571) nang pagbabarilin bandang alas-8:15 ng umaga.

Naisugod naman sa ospital ang mag-asawa subalit idineklarang patay si Singh habang nakikipaglaban naman kay kamatayan ang misis nito.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng baril habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments