Nene ni-rape slay ng adik

NORTH COTABATO, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 8-anyos na nene matapos itong gahasain ay binasag pa ang bao ng ulo nito ng isang ‘di-kilalang lalaki na lango sa droga sa Barangay Cannery Site, bayan ng Polomolok, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Basag ang bao ng ulo at hubu’t hubad ang biktimang si Shanen Talones nang matagpuan sa bakanteng lote na nasa likuran ng restaurant sa Bayan Subdivision. Ayon kay Hiyasminda Diolanto, principal ng Polomolok Central Elementary School, huling namataang buhay ang biktima na pumasok sa school noong Biyernes ng umaga kung saan agad naman itong hinanap ng kanyang tiyuhin matapos hindi makauwi. Narekober ang bag ng bata na ang laman ay mga gamit sa eskuwela. Pinaniniwalaan ng opisyal na sa ibang lugar ginahasa at pinatay ang biktima saka itinapon sa nasabing barangay upang ilihis ang pulisya.

Show comments