Barangay health worker, dinedo

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang isang barangay health worker makaraang barilin ng di-kilalang lalaki sa labas ng palengke sa panulukan ng Ledesma Street sa Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon. Napuruhan sa batok ang biktima na si Josie Cabelaje ng Barangay Baras sa nasabing lungsod. Base sa imbestigasyon, kabababa lamang ng biktima sa traysikel nang lapitan at barilin ng suspek na nakasakay sa motorsiklo. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng baril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments