Ex-ABC prexy nilikida

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Pinabulagta ng pinaniniwalaang “hired killer” ang isang dating ABC president ng Rizal, Cagayan habang nagpapahangin sa harapan ng kanilang bahay sa Victoria Heights Subd. sa Barangay Carig ng lungsod na ito kagabi.

Kinilala ni City Chief of Police Supt. Jessie Tamayao ang napatay na si dating ABC Pres. Nelson Littaua, 57, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan dakong 6:30 ng gabi. ?

Sinabi ni Tamayao na tumakas sakay ng motorsiklo ang gunman habang patay na nang mairating ng mga sumaklolo ang dating opisyal sa Cagayan Valley Medical Center. Blangko pa ang mga imbestigador sa motibo ng krimen bagama’t hindi isinasantabi ang pulitika sa nasabing pag-atake.?

Sa talaan ng pulisya sa Rizal, magugunita na kapwa nakaligtas sa pananambang sina Mayor Joel Ruma at Brgy Chairman Eduardo “Santung” Datul noong 2013 sa magkakahiwalay na insidente sa Rizal na pinaniniwalaang nag-ugat sa pulitika.

Show comments