Estudyante utas sa karera ng motorbike

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sumalubong kay kamatayan ang 29-anyos na estudyante habang dalawa naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang maki­pagkarera at magkasagian ng mga motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Pengue-Ruyu sa Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa. Sa pahayag ni PO1 Estanilaslao Tabao, bumaliktad at bumalandra sa mga sasakyang nakaparada ang motorbike ni Jayson Teppang makaraang masagi ang motorsiklo ni Rey Maramag. Idineklarang patay sa Cagayan Valley Medical Center si Teppang habang malubha naman si Maramag at angkas nitong si Marvin Tumanguil.

Show comments