5 outreach program volunteers nalunod

STAR/File photo

MANILA, Philippines – Limang volunteer ng outreach program ang namatay matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig-baha habang tumatawid sa ilog sa bayan ng San Jose, Tarlac kamakalawa ng hapon.Sa phone interview, kinilala ni Tarlac PNP director P/Senior Supt. Alex Sintin ang mga biktima na sina Mark Kevin Luna Villanueva, Rocky Tumalinog, 27, ng Batasan Hills, Quezon City; Bernadette Ramirez, 22, ng Cainta, Rizal; Joemarie San Diego ng Bocaue, Bulacan; at si Doreen Abriano ng Makati City. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa Sitio Daag, Brgy. Iba bandang alas-3 ng hapon kung saan may outreach program ang mga biktima. Gayon pa man, tumatawid sa ilog ang mga biktima ay inabutan at tinangay ng malakas na baha bunga ng biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabatid na hindi nakipag-ugnayan ang mga biktima sa kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan partikular na sa himpilan ng pulisya at Tarlac Tourism Office.

Show comments