Trader pumalag sa kawatan dedbol, misis grabe
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang 67 anyos na matandang negosyante habang malubha namang nasugatan ang misis nito makaraang pagsasaksakin sila ng tatlong magnanakaw na ang isa ay kanilang helper sa naganap na panloloob sa kanilang tindahan sa Poblacion,Binalonan, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang nasawing matanda na si Ambrosio Romero, dahil sa mga tinamong saksak ng ice pick sa iba’t ibang bahagi ng katawan bukod pa sa pagpalo ng tubo sa ulo ng mga suspek.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Urdaneta City District Hospital ang misis nitong si Teresita Romero, 65-anyos, nagtamo rin ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na sa leeg.

Sa ulat ng Pangasinan Police, dakong ala-1:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Patrol Poultry Supply  na pag-aari ng mag-asawa sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon,nagpanggap na mga kustomer ang mga suspek kasama ang naghudas nilang helper na si Redentor Pallalos,29, na bibili umano ng herbicides.

Nang iniabot ng ginang ang inorder ay tinutukan siya ng icepick sa leeg at sinaksak sa katawan.

Nakita ito ng mister kaya’t sumaklolo ito,subalit siya rin ay pinagsasaksak at hindi pa nakuntento ay pinaghahampas pa ng bakal na tubo sa ulo na agarang ikinamatay.

Tumakas ang mga suspek tangay ang P 70,000 na pinagbentahan ng mag-asawa sa kanilang mga paninda.

Agad na naaresto ang helper na si Pallalos habang pinaghahanap ang mga kasamahan nito.

AMBROSIO ROMERO ANG AYON BINALONAN KINILALA MGA PANGASINAN POLICE PATROL POULTRY SUPPLY REDENTOR PALLALOS TERESITA ROMERO URDANETA CITY DISTRICT HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with