^

Probinsiya

4 suspek sa pagpatay sa mag-asawa, tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang apat na suspek sa brutal na pagpatay sa 58-anyos na Kano at misis nitong Pinay sa isinagawang follow-up operations sa bayan ng Murcia, Negros Occidental, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Samuel Nacion na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang mga suspek na sina Randy Nunez, 25; alyas Toto, 17; Raymart “Nonoy” Medel, at si Randy Perez.

Sina Nunez, Toto at Medel ay naaresto sa Sitio Dahlia, Barangay Puey sa Sagay City habang si Perez naman ay nadakip sa Barangay Bato sa nasabing lungsod.

Ang mga suspek ay natukoy na nasa likod ng pagpatay sa mag-asawang Kevin Fleischauer, at misis nitong si Lolly Mangilaya Fleischauer, 60, kapwa nakatira sa Brgy. Blumentritt sa nasabing bayan.

Ang bangkay ng mag-asawa ay magkakasunod natagpuan  noong Linggo ng gabi at Lunes sa isang balon na may 10-metro ang layo sa kanilang bahay.

Narekober sa mga suspek ang P15,000 cash, 12 piraso ng US$20, apat na US$50, dalawang US$10, sari-saring alahas, dalawang laptop, 5-cellphone na magkakaiba ang brand, at ang cal.9mm parabbellum pistol na may magazine at pitong bala.

ANG

BARANGAY BATO

BARANGAY PUEY

CAMP CRAME

KEVIN FLEISCHAUER

LOLLY MANGILAYA FLEISCHAUER

MEDEL

NEGROS OCCIDENTAL

RANDY NUNEZ

RANDY PEREZ

SAGAY CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with